Introduksiyon

Ang Moodle ay isang pakete ng software para sa paglikha ng mga kursong nakabase sa internet at mga web site. Ito ay isang proyekto na patuloy na pinauunlad upang suportahan ang social constructionist na balangkas ng edukasyon.

Malayang ipinamamahagi ang Moodle bilang isang Open Source na software (alinsunod sa GNU Public License). Ang ibig sabihin nito ay nakacopyright ang Moodle, pero malaya kang gawin ang iba pang bagay. Puwede mong kopyahin, gamitin at baguhin ang Moodle hanggat sumasang-ayon ka na: ibigay ang source sa iba; hindi baguhin o alisin ang orihinal na lisensiya at mga copyright, at gamitin din ang lisensiyang ito sa anumang gawa na ibinatay sa orihinal. Basahin ang lisensiya para sa kabuuang detalye at pakikontak ang copyright holder nang direkta kung may mga tanong ka pa.

Gagana ang Moodle sa anumang kompyuter na kayang patakbuhin ang PHP, at kayang suportahan ang maraming uri ng database (lalo na ang MySQL).

Ang salitang Moodle ay nagmula sa acronym na Modular Object-Oriented Dynamic Learning Environment, kahulugan na mas kapakipakinabang sa mga programer at teyorista ng edukasyon.   Sa ingles ay isang pandiwa ito na lumalarawan sa proseso ng pa-easy-easy na paggawa ng isang bagay; ginagawa ang isang bagay kung kailan mo maisipang gawin ito, isang nakakaaliw na pagbutingting na karaniwang nauuwi sa pagkatuklas at paglikha. Kaya nagaaplay ito sa paraan kung paano dinebelop ang Moodle, at sa paraan ng pagtuturo ng guro o pag-aaral ng estudyante sa isang online na kurso. Ang sinumang gumagamit ng Moodle ay isang Moodler.

Halina't makipagmoodle ka sa amin!


Dokumentasyon ng Moodle

Version: $Id$