Pag-Upgrade ng Moodle

Ang Moodle ay dinisenyo na makakapag-upgrade nang malinis mula sa lumang bersiyon tungo sa isang bagong bersiyon.

Kapag nag-upgrade ka ng instalasyon ng Moodle, dapat mong sundin ang mga hakbang na ito:

1. I-backup ang important datos

Bagama't hindi lubhang mahalaga, mas makabubuting mag-back-up ng isang sistemang pangproduksiyon bago gumawa ng malawakang upgrade, kung sakaling kailanganin mong balikan ang lumang bersiyon sa ano't anumang dahilan. Ang kailangan pa nga ay gawing awtomatiko ang pagback-up ng instalasyon ng Moodle sa server mo nang araw-araw, upang malampasan mo na ang hakbang na ito.

May tatlong pook na dapat i-back-up:

1. Ang direktoryo ng Moodle software mismo

Gumawa ng hiwalay na kopya ng mga file na ito bago mag-upgrade, upang mabawi mo ang config.php at anumang modyul na idinagdag mo tulad ng tema, wika atbp.

2. Ang direktoryo mo ng datos.

Dito nakalagay ang inapload na nilalaman (tulad ng mga rekurso ng kurso at mga takdang-aralin ng mag-aaral) kaya't napakahalagang magka-back-up ng mga file na ito. Minsan ang mga upgrade ay ililipat o babaguhin ang pangalan ng mga direktoryo mo sa loob ng direktoryo ng datos.

3. Ang database mo

Karamihan sa mga upgrade ng Moodle ang binabago ang mga database table, nagdadagdag o nagbabago ng mga field. May iba't-ibang paraan ang bawat database sa pagbaback-up. Ang isang paraan ng pagback-up ng MySQL database ay ang 'pagdump' nito sa iisang SQL file. Ipinapakita sa sumusunod na halimbawa ang mga Unix command sa pag-dump ng database na tinatawag na "moodle":

mysqldump moodle > moodle-backup-2002-10-26.sql

Maaari mo ring gamitin ang "Export" na katangian sa opsiyonal na "Database" web interface ng Moodle para gawin ang katulad nitong bagay para sa lahat ng plataporma.

 

2. Iinstol ang bagong Moodle software

Paggamit ng isang download archive

Huwag patungan ang lumang instalasyon kundi mo lubos na alam ang ginagawa mo ... minsan nagdudulot ng problema ang mga lumang file sa bagong instalasyon. Ang pinakamabisang paraan ay baguhin ang pangalan ng kasalukuyang direktoryo ng Moodle, tapos ay i-unpack ang bagong Moodle archive sa dating lokasyon.

mv moodle moodle.backup
tar xvzf moodle-1.1.tgz

Tapos, kopyahin mo ang lumang config.php mo at iba pang plugin tulad ng pasadyang tema sa dating direktoryo:

cp moodle.backup/config.php moodle
cp -pr moodle.backup/theme/mytheme moodle/theme/mytheme

Paggamit ng CVS

Kung gagamitin mo ang CVS, pumunta lamang sa punong direktoryo ng Moodle at i-update ito sa mga bagong file:

cvs update -dP

Tiyakin na gagamitin ninyo ang "d" parameter sa paglikha ng mga bagong direktoryo kung kinakailangan, at ang "P" parameter para burahin ang mga walang laman na direktoryo.

Kung ineedit mo ang mga file ng Moodle, matyagan ang mga mensahe ng mabuti para makita mo kung may mga posibleng dipagkakasundo. Lahat ng sinadyang tema mo at di-istandard na plugin ay hindi pakikialaman.

 

3. Pagtatapos ng upgrade

Ang huling hakbang ay pasimulan ang proseso ng pag-upgrade sa loob ng Moodle.

Para magawa ito, bisitahin lamang ang pahinang admin ng instalasyon mo.

http://halimbawa.com/moodle/admin

Hindi importante kung nakalog-in ka bilang admin o hindi.

Awtomatikong malalaman ng Moodle na may bagong bersiyon at gagawin nito ang lahat ng upgrade ng database o filesystem na kinakailangan. Kung may bagay na di nito kayang gawin sa sarili nito (napakadalang), makakakita ka ng mga mensahe na magsasabi sa iyo kung ano ang kailangan mong gawin.

 

Kung lahat ay maayos naman (walang mensahe ng mga error) masisimulan mo nang gamitin ang bago mong bersiyon ng Moodle at i-enjoy ang mga bago nitong katangian!

Kung magkaproblema ka sa upgrade, bisitahin ang moodle.org at magpost sa Installation Support Forum sa Using Moodle na kurso.

 

 

Dokumentasyon ng Moodle

Version: $Id$