Pag-instol ng Apache, MySQL at PHP

Nakasulat ang Moodle sa isang scripting language na tinatawag na PHP, at iniimbak ang karamihan sa mga datos nito sa isang database. Ang inirerekomenda naming database ay MySQL. Bago mo iinstol ang Moodle kailangan mo munang magkaroon ng tumatakbong instalasyon ng PHP at isang tumatakbong database upang gawing tumatakbong platapormang web server ang kompyuter mo. Medyo mahirap iset-up ang mga paketeng ito para sa pangkaraniwang user ng kompyuter, kaya isinulat ang pahinang ito upang tangkaing magawang simple ang prosesong ito para sa iba't-ibang plataporma:

Hosting Service

Malaki ang pagkakaiba ng mga hosting service sa kung paano sila gumana. May mag-iintol pa ng Moodle para sa inyo.

Karamihan ay magbibigay sa inyo ng nakaweb na control panel para makontrol ang site ninyo, lumikha ng database at iset-up ang cron. Ang iba ay magbibigay ng terminal na access sa pamamagitan ng ssh, upang magamit mo ang command shell para sa paggawa ng mga bagay-bagay.

Dapat mong basahin ang Gabay sa pag-iinstol at sundin ang bawat hakbang ng paisa-isa. Tanungin ninyo ang hosting provider ninyo kung may nahihirapan kayong problema.

 

Mac OS X

Ang pinakamadaling paraan para magawa ito ay gamitin ang Apache server na ihinahandog ng Apple, tapos ay idagdag ang PHP at MySQL gamit ang mga pakete ni Marc Liyanage. Ang dalawang pahina sa ibaba ay may magagandang instruksiyon na hindi na natin uulitin dito:

PHP: Idownload galing dito: http://www.entropy.ch/software/macosx/php/

MySQL: Idowload galing dito: http://www.entropy.ch/software/macosx/mysql/

Kapag naiinstol na ang mga ito, madali na ang istandard na Gabay sa Pagiinstol .

Ang mas detalyadong instruksiyon ng sunod-sunod na gagawin ay narito : http://moodle.org/wiki/index.php/InstallingMoodle

 

Redhat Linux

Dapat mong iinstol ang lahat ng RPM na pakete para sa Apache, PHP at MySQL. Ang pakete na kadalasang nakakalimutan ng mga tao ay ang paketeng php-mysql na kailangan para makipagtalastasan ang PHP sa MySQL.

Kapag naiinstol na ang mga ito, madali na ang istandard na Gabay sa Pagiinstol .

Ang mas detalyadong instruksiyon ng sunod-sunod na gagawin ay narito http://moodle.org/wiki/index.php/InstallingMoodle

 

Windows

Ang pinakamadaling paraan para magawa ito ay gamitin ang EasyPHP, isang pakete na pinagsasamasama ang lahat ng software na kailangan mo s isang aplikasyon ng Windows Narito ang mga hakbang mula simula hanggang katapusan:

  1. Una, kung nakapag-instol ka na ng MySQL (kahit na bahagi ng ibang pakete), alisin mo lahat ito, burahin ang lahat ng MySQL file t tiyakin na burahin ang c:\my.cnf at c:\windows\my.ini. Maigi sigurong mag-search ka at burahin ang ANUMANG file na may pangalang my.cnf o my.ini.
  2. Kung may ininstol ka nang PHP, burahin mo ang anumang file na may pangalang php4ts.dll sa palibot ng direktoryong Windows mo, gayundin ang anumang file na may pangalang php.ini.
  3. Idownload ang EasyPHP galing dito: http://www.easyphp.org/telechargements/dn.php?F=easyphp1-7 (humigit-kumulang 10 Mb)
  4. Patakbuhin ang dinownload na file : easyphp1-7_setup.exe. Ang proseso ng pag-instol ay nasa wikang Pranses pero para din itong pag-iinstol ng anumang program ng Windows - iminumungkahi ko na tanggapin lahat ng default at bayaan itong mag-instol lahat. Tandaan na ang ibig sabihin ng "Suivant" ay Susunod at "Oui" ay Oo.
  5. Sa dulo ng instol pabayaan ang checkbox na nakaselect ang "Lancer EasyPHP" (Start EasyPHP) at pindutin ang 'Terminer" na buton. Maaaring gusto mong ipasa ka sa pahinang web na impormasyon na puwede mo na ring balewalain.
  6. Kung maayos naman lahat - - binabati namin kayo! Ang Apache, PHP at MySQL ay naka-instol na at tumatakbo na! Dapat ay makakita ka ng isang itim na E sa toolbar tray. Maira-right-click mo it upang makapagbukas ng menu na pagkokontrolan mo ng mga tumatakbong program.
  7. Ang ilang bagay ay maaaring nasa Pranses at maaaring mas gusto mo ng Ingles. Maaari mong idownload ang file na ito http://www.easyphp.org/telechargements/dn.php?F=indexUS_1.7 na naglalaman ng Ingles na bersiyon ng www at home folder sa EasyPHP1-7 folder. Maipapalit ito sa mga default na file .
  8. Ang susunod mong kailangang gawin ay mag-set-up ng database na gagamitin ng Moodle. Iright-click ang itim na E sa toolbar tray at piliin ang Administration, pagkatapos ay iklik ang DB Management (katabi ng PHPMyAdmin).
  9. Kapag hiningan ka ng username, gamitin ang "root" na may blangkong password. Makakakita ka dapat ng phpMyAdmin web interface na magpapahintulot sa iyong lumikha ng mga bagong databe at account ng user.
  10. Lumikha ng bagong database sa pamamagitan ng pag-type ng "moodle" sa puwang at pagpindot ng "Lumikha" na buton. Kaydali ano!
  11. Makakalikha ka rin ng bagong user para mapasok ang database mo kung iyong nais. Medyo mahirap ito para sa isang baguhan, kaya't baka mas gugustuhin mong gamitin ang kasalukuyang user na "root" nang walang password sa Moodle config mo, kahit pansamantala; ayusin mo na lamang ito mamaya.
  12. Ngayon handa ka nang mag-instol ng Moodle! Idownload ang pinakabagong release ng Moodle mula sa http://moodle.org/download, tapos ay i-unzip ang archive.
  13. Kopyahin ang mga moodle file mo sa C:\Program Files\EasyPHP\www. Maaari mong kopyahin ang buong direktoryo ng moodle (a.b. C:\Program Files\EasyPHP\www\moodle) o kopyahin ang lahat ng nilalaman ng direktoryo ng moodle. Kapag pinili mo ang pangalawang opsiyon, mapapasok mo na ang Moodle home page sa pamamagitan ng http://localhost/ instead of http://localhost/moodle/.
  14. Gumawa ka ng folder na walang laman sa ibang lugar para paglagyan ng inapload na files ng Moodle, hal: C:\moodledata
  15. Puntahan mo ang Moodle folder mo. Gumawa ka ng kopya ng config-dist.php, at pangalanan mo itong config.php
  16. Editin ang config.php sa pamamagitan ng text editor (Puwede ang Notepad, tiyakin lamang na hindi ito magdadagdag ng mga di kailangang space sa dulo).
  17. Ipasok ang lahat ng bagong database info mo:
    $CFG->dbtype = 'mysql';
    $CFG->dbhost = 'localhost';
    $CFG->dbname = 'moodle';
    $CFG->dbuser = 'root';
    $CFG->dbpass = '';
    $CFG->dbpersist = true;
    $CFG->prefix = 'mdl_';
  18. At ilagay ang lahat ng file path mo:
    $CFG->wwwroot = 'http://localhost/moodle'; // Gumamit ng panlabas na address kung alam ang paggawa nito.
    $CFG->dirroot = 'C:\Program Files\EasyPHP\www\moodle';
    $CFG->dataroot = 'C:\moodledata';
  19. I-save ang config.php - puwede mo nang balewalain ang iba pang setting kung mayroon man.
  20. Malapit-lapit ka nang makatapos! Ang nalalabi pang bahagi ng pagseset-up ay sa web na gagawin. Puntahan ang http://localhost/moodle/admin/ sa pamamagitan ng browser mo upang maipagpatuloy ang setup sa pamamagitn ng browser.
  21. Para magamit ang zip file sa Moodle (halimbawa, gumagamit ng zip ang backup), maaaring kailanganin mong buhayin ang "zlib". Magagawa mo ito sa pamamagitan ng pagpunta sa direktoryong EasyPHP (C:\Program Files\EasyPHP), at pagpapatakbo ng program na phpini.exe doon. Lagyan ng marka ang checkbox na malapit sa "zlib.dll". Isara na ang window na iyon, pagkatapos ay tumungo sa itim na E sa toolbar mo at i-right-click ito para mapalabas ang menu - piliin ang "Restart" mula sa menu.
  22. Bilang panghuli, kailangan mong mag-set-up ng isang uri ng cron. Sumangguni sa Gabay sa pag-iinstol para sa mga detalye nito.

Kung hindi mo magamit o hindi ka gumagamit ng EasyPHP, narito ang ilang tip para matiyak na wasto ang set-up ng PHP mo at upang maiwasan ang mga karaniwang problema:

 

Dokumentasyon ng Moodle

Version: $Id$