Pag-iinstol ng Moodle

Huwag mag-panic!

Ipinapaliwanag ng gabay na ito kung paano mag-instol ng Moodle sa unang pagkakataon. Ang ilan sa mga hakbang ay maraming detalye upang masakop ang mayorya ng mga posibleng kaayusan ng web server, kaya't mukhang medyo mahaba at komplikado ang dokumentong ito. Huwag mag-panic, kapag alam na ninyo kung paano ito gawin, maiiinstol ninyo ang Moodle sa loob ng ilang minuto!

Kung may mga nararanasan kang problema, pakibasa nang mabuti ang dokumentong ito - ang mga karaniwang problema ay nasasagot dito. Kung may problema ka pa rin, makakahingi ka ng tulong sa Moodle Help

Ang isa pang opsiyon ay kumontak ka ng kumpanyang nagho-host ng web site na ganap na makapagmementina ng Moodle para sa iyo, para mabalewala mo na ang babasahing ito at dumiretso na sa pagtuturo!

 

Mga seksiyon ng dokumentong ito:

  1. Mga Kinakailangan
  2. I-download at kopyahin ang mga file sa wastong lugar
  3. Balangkas ng site
  4. Patakbuhin ang installer script para makalikha ng config.php
  5. Tumungo sa pahina ng admin para maipagpatuloy ang pag-configure
  6. Isaayos ang cron
  7. Lumikha ng bagong kurso

 

1. Mga Kinakailangan

Ang Moodle ay pangunahing dinebelop sa Linux na gumagamit ng Apache, MySQL at PHP (na tinatawag ding LAMP na plataporma), bagama't tinetesting din nang regular sa PostgreSQL at sa Windows XP, Mac OS X at Netware 6 na mga operating system

Ang mga kinakailangan ng Moodle ay ang mga sumusunod:

  1. Web server software. Ang ginagamit ng karamihang tao ay Apache, pero gagana rin nang maayos ang Moodle sa ilalim ng anumang web server na sumusuporta sa PHP, tulad ng IIS sa Windows na plataporma.
  2. PHP scripting language (version 4.1.0 o mas bago). Ang PHP 5 ay sinusuportahan na sa Moodle 1.4.
  3. gumaganang database server: MySQL o PostgreSQL ay ganap na sinusuportahan at inirerekomenda na gamitin sa Moodle.

Sinusuportahan ng karamihang web host ang lahat ng ito nang default. Kung naka-sign-up ka sa isa sa iilang webhosts na hindi sinusuportahan ang mga feature na ito, tanongin mo sila kung bakit, at pag-iisipan mong maghanap ng ibang web host.

Kung gusto mong patakbuhin ang Moodle sa sarili mong kompyuter at parang masyadong mahirap ang mga bagay na ito, pakitingnan ang gabay naming: Pag-iinstol ng Apache, MySQL at PHP. Naglalahad ito ng mga hakbang na susundin upang maiinstol ang lahat ng ito sa karamihan sa mga popular na plataporma.

 

2. I-download at kopyahin ang mga file sa wastong lugar

May dalawang paraan sa pagkuha ng Moodle, bilang isang compressed package at sa pamamagitan ng CVS. Ipinaliliwanag ito ng detalyado sa download page na:http://moodle.org/download/

Matapos i-download at i-unpack ang archive, o makuha ang mga file sa pamamagitan ng CVS, magkakaroon ka ng isang direktoryong may pangalang "moodle", na naglalaman ng ilang file at folder.

Maaari mong ilagay ang buong folder sa direktoryo ng web server document mo, kaya ang magiging lokasyon ng site ay http://webservermo.com/moodle, o puwede mong kopyahin ang lahat ng nilalaman sa punong direktoryo ng web server, kaya ang site ay magiging http://webservermo.com.

Kung idina-download mo ang Moodle sa lokal mong kompyuter bago mo ito iaplowd sa web site mo, mas mabuting iaplowd ang buong archive bilang isang file lamang, pagkatapos ay i-unpack na lamang ito sa server. Kahit ang mga web hosting interface tulad ng Cpanel ay pinapahintulutan kang mag-uncompress ng mga archive sa "File Manager".

 

3. Balangkas ng site

Puwede mo nang laktawan ang seksiyong ito, gayunpaman narito ang mabilisang lagom ng mga nilalaman ng Moodle folder, para maging pamilyar ka sa program:

config.php - naglalaman ng mga basic na kaayusan. Hindi kasama sa Moodle ang file na ito - kailangan mo itong likhain.
install.php - ang script na patatakbuhin mo upang malikha ang config.php
version.php - binibigyang depinisyon ang kasalukuyang bersiyon ng Moodle code
index.php - ang unang pahina ng site

 

4. Patakbuhin ang script na pang-instol upang malikha ang config.php

Para mapatakbo ang script na pang-instol (install.php), pasukin lamang ang inyong punong URL ng Moodle sa pamamagitan ng web browser, o pasukin ang http://servermo/install.php nang direkta.

(Tatangkain ng Pang-instol na mag-set ng session cookie. Kung makakuha ka ng isang popup na babala sa browser mo, tiyakin na tinanggap mo ang cookie!)

Makikita ng Moodle na kailangang isaayos ito, at dadalhin ka sa ilang screen na tutulong sa iyong lumikha ng bagong configuration file na may pangalang config.php. Sa katapusan ng proseso, tatangkain ng Moodle na isulat ang file sa tamang lokasyon, kundi man puwede mong pindutin ang isang buton para ma-download ito mula sa pang-instol, at pagkatapos ay iaplowd ang config.php sa punong Moodle direktoryo sa server.

Habang ginagawa ang mga ito, susubukin ng installer ang server environment mo at magmumungkahi ng paraan kung paano malulutas ang anumang suliranin. Para sa karaniwang problema, sapat na ang mga mungkahing ito para malutas ang mga iyon, pero kung hindi malutas, tingnan mo sa ibaba ang iba pang impormasyon hinggil sa mga kadalasang nagbibigay sa iyo ng problema.

4.1 Pangkalahatang web server setting

Una, tiyakin na naka-set-up ang web server mo na gamitin ang index.php bilang default na pahina (marahil ay kasama ng index.html, default.htm at iba pa).

Sa Apache, magagawa ito sa pamamagitan ng DirectoryIndex na parameter sa inyong httpd.conf file. Ganito ang karaniwang itsura ng sa akin:

DirectoryIndex index.php index.html index.htm 

Basta tiyaking nasa listahan ang index.php (at mas maigi kung nasa unahan ng listahan, para sa kasinupan).

Pangalawa, kung ginagamit mo ang Apache 2, buhayin mo ang AcceptPathInfo na variable, na nagpapahintulot sa mga script na magpasa ng mga argument tulad ng http://server/file.php/arg1/arg2. Mahalaga ito para mapahintulutan ang mga relatibong link sa pagitan ng mga rekurso mo, at nagpapahusay sa paggamit ng mga tao sa Moodle web site mo. Maaari mo itong buhayin sa pamamagitan ng pagdaragdag ng mga linyang ito sa httpd.conf file mo.

AcceptPathInfo on 

Pangatlo, kailangan ng Moodle na maging aktibo ang ilang PHP setting para gumana ito. Sa karamihang server ito na ang mga default na setting. Gayunpaman, may ilang PHP server (at ilang mas bagong bersiyon ng PHP) na iba ang setting. Idini-define ito sa configuration file ng PHP (na karaniwang tinatawag na php.ini):

magic_quotes_gpc = 1    (mas mabuti pero hindi kinakailangan)
magic_quotes_runtime = 0    (kailangan)
file_uploads = 1
session.auto_start = 0
session.bug_compat_warn = 0
  

Kung wala kang access sa httpd.conf o php.ini sa server mo, o ang Moodle mo ay nasa server na may ibang aplikasyon na nangangailangan ng ibang setting, hindi ito problema, maaari mong i-OVERRIDE ang mga default na setting.

Para magawa ito, kailangan mong lumikha ng file na ang pangalan ay .htaccess sa punong direktoryo ng Moodlem na naglalaman ng sumusunod. Gagana lamang ito sa mga Apache server at tangi kung ang Overrides ay pinapahintulutan sa pangunahing configuration. in Moodle's

DirectoryIndex index.php index.html index.htm

<IfDefine APACHE2>
     AcceptPathInfo on
</IfDefine>

php_flag magic_quotes_gpc 1
php_flag magic_quotes_runtime 0
php_flag file_uploads 1
php_flag session.auto_start 0
php_flag session.bug_compat_warn 0

Maaari mo ring i-define ang maksimum na laki ng inaaplowd na file:

LimitRequestBody 0
php_value upload_max_filesize 2M
php_value post_max_size 2M
     

Ang pinakamadaling gawin mo ay kopyahin na lamang ang sampol na file sa lib/htaccess at i-edit ito ayon sa pangangailangan mo. May dagdag itong instruksiyon. Halimbawa, sa isang Unix shell:

cp lib/htaccess .htaccess

 

4.2 Paglikha ng database

Kailangan mong lumikha ng walang laman na database na (eg "moodle") sa database system mo na may espesyal na user (eg "moodleuser")na may access sa database (at tanging database na yaon). Maaari mong gamitin ang "root" user kung gusto mo ng test server, pero hindi ito inirerekomenda para sa isang production system: Kapag natuklasan ng mga hacker ang password, hindi lamang ang isang database ang nasa panganib kundi ang buong database system.

Kung gumagamit ka ng webhost, malamang ay may control panel web interface ka para sa paglikha ng database.

Ang pinakapopular sa mga ito ay ang Cpanel system. Para makalikha ng database sa Cpanel,

  1. Iklik ang "MySQL Databases" icon.
  2. I-type ang "moodle" sa database field at iklik ang "Add Database".
  3. I-type ang username at password (huwag iyong ginagamit sa ibang bagay) sa naaayong field at iklik ang "Add User".
  4. Pagkatapos ay gamitin ang "Add User to Database" na buton para mabigyan ang bagong user account na ito ng "ALL" na karapatan sa bagong database.
  5. Pansinin na ang username at database name ay maaaring pinangungunahan ng Cpanel account name mo. Kapag ipinasok mo ang impormasyong ito sa Moodle installer - gamitin ang buong pangalan.

Kung may access ka sa Unix command line, puwede mong gawin ang binanggit sa itaas sa pamamagitan ng pag-type ng mga command.

Heto ang ilang halimbawa ng mga Unix command line para sa MySQL:

   # mysql -u root -p
   > CREATE DATABASE moodle; 
   > GRANT SELECT,INSERT,UPDATE,DELETE,CREATE,DROP,INDEX,ALTER ON moodle.* 
           TO moodleuser@localhost IDENTIFIED BY 'yourpassword'; 
   > quit 
   # mysqladmin -p reload
    

At ilang halimbawang command line para sa PostgreSQL:

   # su - postgres
   > psql -c "create user moodleuser createdb;" template1
   > psql -c "create database moodle;" -U moodleuser template1
   > psql -c "alter user moodleuser nocreatedb;" template1

 

4.3 Paglikha ng direktoryo ng datos

Mangangailangan din ang Moodle ng espasyo sa hard disk ng server mo para mapag-imbakan ng mga inapload na file, tulad ng mga dokumento para sa kurso at mga larawan ng user.

Pipilitin ng Moodle installer na likhain ang direktoryong ito para sa iyo, pero kapag nabigo ito kailangan mong likhain ang direktoryo ng mano-mano.

Para maingatan ang seguridad, mas mabuti na HUWAG gawing accessible nang direkta mula sa web ang direktoryong ito. Ang pinakamadaling paraan para magawa ito ay ilagay ito sa LABAS ng web directory, pero kung kailangan mong ilagay ito sa web directory ay protektahan mo ito sa pamamagitan ng paglikha ng file sa data directory na tinatawag na .htaccess, na naglalaman ng sumusunod na linya:

deny from all

Para matiyak na kaya ng Moodle na mag-save ng inapload na file sa direktoryong ito, tingnan kung ang web server software (eg Apache) ay may permisong bumasa, sumulat at magpatakbo ng program sa direktoryong ito.

Sa mga makinang Unix, ang ibig sabihin nito ay ang pagseset ng may-ari ng direktoryo na tulad ng "nobody" o "apache", at pagbibigay ng kinakailangang permiso ng user na bumasa, sumulat at magpatakbo ng program.

Sa Cpanel system, maaari mong gamitin ang "File Manager" para mahanap ang folder, iklik ito, pagkatapos ay piliin ang "Change Permissions". Sa maraming pinagsasaluhang hosting server, marahil ay kailangan mong limitahan ang lahat ng file access sa "group" mo (upang maiwasan ang pagtingin o pagbabago ng mga file mo ng ibang kostumer ng webhost), pero bigyan mo ng ganap na read/write access ang iba pa (na magpapahintulot sa web server mong ma-access ang file mo).

Makipag-usap ka sa server administrator mo, kung namomroblema ka sa pagseset-up nito nang may seguridad. Ang ilang site na gumagamit ng PHP feature na tinatawag na "Safe Mode" ay maaaring magtakda na ang administrador ang lumikha ng direktoryong ito para sa iyo.

5. Tumungo sa pahina ng admin para makapagpatuloy sa pagko-configure

Kapag ang basic na config.php ay nalikha ng wasto sa naunang hakbang, mapupunta ka sa pahina ng "admin" sa unang beses na tangkain mong i-access ang harapang pahina ng site para matapos ang pagko-configure.

Sa unang beses na i-access mo ang pahina ng admin na ito, papakitaan ka ng isang GPL "shrinkwrap" na kasunduan na kailangan mong sang-ayunan bago ka makapagpatuloy sa pagse-setup.

Ngayon, magsisimula nang i-setup ng Moodle ang database mo at lilikha ito ng mga table para mag-imbak ng datos. Una, lilikhain ang mga punong database table. Makakakita ka ng ilang SQL na pahayag, na susundan ng mga status message (na kulay berde o pula) na ganito ang itsura:

CREATE TABLE course ( id int(10) unsigned NOT NULL auto_increment, category int(10) unsigned NOT NULL default '0', password varchar(50) NOT NULL default '', fullname varchar(254) NOT NULL default '', shortname varchar(15) NOT NULL default '', summary text NOT NULL, format tinyint(4) NOT NULL default '1', teacher varchar(100) NOT NULL default 'Teacher', startdate int(10) unsigned NOT NULL default '0', enddate int(10) unsigned NOT NULL default '0', timemodified int(10) unsigned NOT NULL default '0', PRIMARY KEY (id)) TYPE=MyISAM

TAGUMPAY

...at patuloy, tapos ay susundan ng: Matagumpay na naisaayos ang mga pangunahing database.

Kapag hindi mo nakita ang mga ito, maaaring nagkaproblema sa database o sa configuration setting na na-define sa config.php. Tingnan kung ang PHP ay hindi nasa restricted na "Safe Mode" (minsan binubuhay ng mga komersiyal na web host ang safe mode). Maaari mong tsekin ang mga PHP variable sa pamamagitan ng paglikha ng maliit na file na naglalaman ng <?php phpinfo() ?> at pagtingin dito sa pamamagitan ng browser. Tsekin lahat ito at tangkain muli ang paggamit ng pahinang ito.

Mag-scroll pababa sa pinaka-ibaba ng pahina at pindutin ang "Magpatuloy" na link.

Makakakita ka ng form kung saan maitatakda mo ang marami pang configuration variable para sa instalasyon mo, tulad ng default na wika SMTP host at iba pa. Huwag kang mag-alala kung hindi mo magawa ang lahat ng gusto mo sa ngayon - maaari ka namang bumalik dito at i-edit ang iba pang hindi mo naiayos sa pamamagitan ng admin na interface. Ang mga default ay dinisenyo na maging kapakipakinabang at ligtas para sa karamihang site. Mag-scroll pababa at iklik ang "I-save ang pagbabago".

Kung (at tangi kung) hindi ka makaalis sa pahinang para makapagpatuloy, may problema ang server mo na ang tawag ko ay "buggy referrer" problem. Madali itong kumpunihin: patayin mo lamang ang "secureforms" na setting, pagkatapos ay tangkain mong magpatuloy muli.

Pagkatapos ay makakakita ka ng maraming pahina na nagpiprint ng maraming status message habang sine-set-up nila ang lahat ng table na kinakailangan ng iba't-ibang modyul ng Moodle. Tulad din ng nauna, dapat ay kulay green ang mga ito.

Mag-scroll sa pinaka-ibaba ng pahina at pindutin ang "Magpatuloy" na link.

Ang susunod na pahina ay isang form na pagtatakdaan mo ng mga parameter para sa Moodel site at sa harapang pahina, tulad ng pangalan, format, deskripsiyon at iba pa. Punan ang mga kahon nito (puwede mong itong balikan anumang oras para baguhin), tapos ay pindutin ang "Isave ang mga pagbabago".

Bilang panghuli, hihilingin kang lumikha ng isang top-level na administrador na user para ma-access ang mga pahina ng admin. Punan ang mga kinakailangang detalye ng pangalan mo, email atbp., tapos ay iklik ang "Isave ang mga pagbabago". Hindi lahat ng field ay kailangan, pero kapag may mahalagang field kang nakaligtaan, huhudyatan kang muli para sagutan ang mga ito.

Tiyakin na natatandaan mo ang username at password na pinili mo para sa user account ng administrador, dahil kailangan ito para mapasok ang pahinang pang-administrasyon sa mga susunod na pagkakataon.

(Kung dahil sa anumang bagay ay nahinto ang pag-iinstol mo, o kung nagka-system error na pumipigil sa iyong mag-log-in gamit ang admin account, kadalasan ay makapagla-log-in ka sa pamamagitan ng default na username na "admin", na may password na "admin".)

Kapag nagtagumpay ka na, ibabalik ka sa home page ng bago mong site! Pansinin mo ang mga link na pang-administrador sa may ibabang-kaliwa ng pahina (lumilitaw din ang mga aytem na ito sa hiwalay na pahinang pangAdmin) - nakikita mo lamang ang mga aytem na ito dahil naka-log-in ka bilang admin user. Lahat nang iba pang pamamahalang ng Moodle na kakailanganin mo ay maaari nang gawin sa pamamagitan ng menung ito, tulad ng:

Pero hindi pa tapos ang pag-iinstol mo! May isa pang napakahalagang bagay na kailangang gawin (tingnan ang sususunod na seksiyon hinggil sa cron).

 

6. Isaayos ang cron -- IMPORTANTE!

Kailangan ng pagmamanman sa ilang modyul ng Moodle upang maisakatuparan ang mga gawain nito. Halimbawa, kailangan tingnan ng Moodle ang mga talakayan upang mai-email nito ang mga kopya ng post sa mga taong sumali.

Ang script na gumagawa ng lahat ng ito ay nasa direktoryong admin, at ang pangalan ay cron.php. Kaya lamang, hindi nito kayang tumakbo sa sarili nito, kaya kailangan mong magsaayos ng mekanismo na magpapatakbo ng script na ito nang regular (eg tuwing ikalima o ikasampung minuto). Mistula ngayon itong "pintig-ng-puso" upang maisakatuparan ng script ang mga gawain nito sa panahong itinatakda ng bawat modyul. Ang ganitong uri ng regular na mekanismo ay tinatawag na cron service.

Gusto kong bigyang pansin na hindi kailangang ang makinang nagpapatakbo ng Moodle ang makinang gagawa ng cron. Halimbawa, kung limitado ang web hosting service mo, at wala itong cron service, puwede mong patakbuhin ang cron sa isa pang server o sa kompyuter mo sa bahay. Ang mahalaga lamang ay mapatakbo ang cron.php nang regular.

Magaang lamang ang gamit ng kompyuter ng script na ito, kaya ang 5 minuto ay makatwiran na, pero kung nag-aalala ka sa kinakain nitong rekurso ng server, maaari mong pahabain ang agwat ng pagtakbo sa mga 15 minuto o kahit 30 minuto. Mas mabuting huwag masyadong pahabain ang agwat na ito dahil ang pagbalam sa paglabas-ng-mail ay makapagpapabagal sa aktibidad ng kurso.

Una, subukin kung tumatakbo ang script sa pamamagitan ng pagpapatakbo nito nang direkta sa pamamagitan ng inyong browser:

http://halimbawa.com/moodle/admin/cron.php

Pagkatapos, kailangan mong magsaayos ng isang paraan ng pagpapatakbo ng script nang awtomatiko at regular.

Sa sistemang Windows

Ang pinasimpleng paraan ay gamitin ang maliit na paketeng ito moodle-cron-for-windows.zip na magpapadali sa gawaing ito sa pamamagitan ng pag-instol ng isang maliit na Windows service. Patakbuhin mo ito at kalimutan na!

Hinggil sa web hosting service

Maaaring may web page ang nakaweb na control panel ninyo para maiset-up ang prosesong cron na ito. Halimbawa, sa sistemang Cpanel, maghanap ng buton na may pangalang "Cron jobs". Doon mailalagay mo ang mga Unix command na nakalista sa ibaba.

Paggamit ng command line sa Unix

Maraming command line program na magagamit mo sa pagtawag sa pahina mula sa command line. Maaring hindi lahat nang ito ay nasa isang server.

Halimbawa, maaari mong gamitin ang isang Unix utility tulad ng 'wget':

wget -q -O /dev/null http://halimbawa.com/moodle/admin/cron.php

Pansinin na sa halimbawang ito ang output ay itinatapon (sa /dev/null).

Ganito rin ang paraan kung gagamitin mo ang lynx:

lynx -dump http://halimbawa.com/moodle/admin/cron.php > /dev/null

O kaya'y maaari kang gumamit ng standalone na bersiyon ng PHP, na kinompayl para tumakbo sa command line. Ang kaigihan ng ganitong paraan ay hindi mapupuno ang web server log mo ng paulit-ulit na paghiling sa cron.php. Ang kahinaan ng paraang ito ay kailangan mo ng command-line na bersiyon ng php.

/opt/bin/php /web/moodle/admin/cron.php

    

Paggamit ng crontab program sa Unix

Ang ginagawa lang naman ng Cpanel ay maglagay ng web interface para sa isang Unix utility na tinatawag na crontab. Kung may command line ka, maaari mong iset-up ang crontab sa sarili mo sa pamamagitan ng command na ito:

crontab -e

pagkatapos ay idagdag ang isa sa mga command sa itaas tulad ng:

*/5 * * * * wget -q -O /dev/null http://halimbawa.com/moodle/admin/cron.php

Kadalasan, ipapasa ka ng "crontab" command sa 'vi' editor. Makakapasok ka sa "insert mode" sa pamamagitan ng pagpindot ng "i", tapos ay itype mo ang linya sa itaas, tapos ay lumabas sa insert mode sa pamamagitan ng pagpindot ng ESC. Makapagse-save at makakalabas ka sa pamamagitan ng pagtype ng ":wq", o umayaw nang hindi nagse-save sa pamamagitan ng ":q!" (alisin ang mga panipi).

 

7. Lumikha ng bagong kurso

Ngayo't tumatakbo na nang maayos ang Moodle, bakit di ka lumikha ng bagong kurso na mapaglalaruan.

Piliin ang "Lumikha ng bagong kurso" sa pahinang Admin (o sa admin link sa home page).

Punan ang form, pag-ingatan mo ang pagtukoy sa format ng kurso. Hindi mo kailangang busisiin ang detalye sa panahong ito, dahil lahat ay maaaring baguhin mamaya ng mga guro. Tandaan na ang dilaw na help icon ay nakakalat para magbigay ng contextual na tulong sa anumang aspeto.

Pindutin ang "Isave ang mga binago", at ipapasa ka sa isang bagong form kung saan puwede kang magtakda ng guro sa kurso. Maaari mo lamang idagdag ang mga user account na mayroon na sa form na ito - kung gusto mong lumikha ng bagong account ng guro, hilingin mo ang guro na lumikha ng account para sa sarili niya (tingnan ang pahinang panglog-in), o lumikha ng isa para sa kanila sa pamamagitan ng "Magdagdag ng bagong user" sa pahinang Admin.

Pag natapos na ito, puwede nang lagyan ng pasadyang katangian ang kurso, at magagawa ito sa pamamagitan ng "Mga Kurso" na link sa home page.

Tingnan ang "Manwal ng Guro" para sa mga detalye ng paglikha ng kurso.

 

Masayang pag-aaral at Maligayang pagmuMoodle!

Kung nagustuhan ninyo ang Moodle, pag-isipan din ninyo ang pagdodonate para matulungan kami sa gastusin!

 

Dokumentasyon ng Moodle

Version: $Id$