Habang umuunlad ang Moodle, lalo pang naiimpluwensiyahan ang patutunguhan nito ng pamayanan ng mga debeloper at user. Matatagpuan ang isang dinamikong database ng mga mungkahing katangian at kalagayan ng mga mungkahing ito sa moodle.org/bugs. Katanggap-tanggap ang lahat ng mga ambag ninyo, sa anyo mang ideya, code, puna o promosyon - tingnan ang Manwal ng pagdedebelop para sa dagdag na detalye. Maaari ka ring magbayad para mapaaga ang pagdebelop ng ilang katangian- tingnan ang moodle.com/development para sa impormasyon at sa tantiya ng halaga.
Narito ang kasalukuyan naming inaasahan na kinabukasan ng Moodle, bagama't magbabago pa rin ito depende sa mga isponsor at debeloper.
Version 1.6
Mga blog bilang pangunahing kagamitan sa mga replektibong aktibidad (nagbibigay ng pang-user, pangkurso at pangsite na feed).
Modyul na database, isang pangkalahatang gamit na tool para sa bayanihang pagpapasok ng datos, paghahanap at pagtingin
Integrasyon sa LAMS bilang aktibidad o format ng kurso
Ilang mas maiging estadistika
Pag-handle ng pumapasok na email
Basic na Web Services API
Version 1.7
My Moodle na pahina na magbibigay ng kabuang tanaw na puwedeng gawing pasadya para sa lahat ng kurso, dagdag pa ang RSS feeds at iba pa.
Mas pinaunlad na pahina ng Pagkakakilanlan ng User, iiintegrate ang Blog, feed atbp. sa isang semi-pampublikong home page
Panimulang suporta sa IMS LD Level A, na nagpapahintulot ng pag-angkat at pagluwas
Ganap na suporta para sa SCORM 2004
Mas maunlad na Web Services API
Integrasyon sa ilang repository
Bersiyon 2.0
Kondisyunal na aktibidad, pahihintulutan ang dependency at ipinilit na path
Ganap na suporta sa IMS LD standard
Pinaunlad na Pangkat, pahihintulutan ang pagtatakda ng mga pangkat sa antas site at aktibidad
Pinaunlad na implementasyon ng Papel na gagampan, pahihintulutan ang pasadyang papel sa antas site, kurso at aktibidad.
Marami sa mga pangunahing pahina ang magagawang pasadya sa pamamagita ng mga HTML template.
Magkakaroon ng mga nakakatuwang pag-unlad sa paggawa sa Moodle na maging network-aware, nang may natural na ebolusyon ng pagbibigay diin ng Moodle sa bayanihan. Dadagdagan pa ang talakayang hinggil dito sa hinaharap.
Version: $Id$