Ang Moodle ay isang aktibong at patuloy na pinauunlad na produkto. Inililista sa pahinang ito ang ilan sa mga katangian nito:
Pangkalahatang disenyo
- Nagtataguyod ng social constructionist na pagtuturo (bayanihan, mga aktibidad, kritikal na repleksiyon, atbp.)
- Angkop para sa 100% online na klase, gayundin para sa pagtulong sa harap-harapang pag-aaral
- Simple, magaang sa kompyuter, masinop, compatible, na low-tech na browser interface
- Madaling iinstol sa halos lahat ng platapormang nagsusuporta sa PHP. Nangangailangan lamang ng isang database (at puwedeng pang ibahagi ito sa ibang program).
- Ang ganap na database abstraction ay sinusuportahan ang lahat ng mayor na brand ng database (maliban na lamang sa initial table definition)
- Ipinapakita ng listahan ng kurso ang paglalarawan ng bawat kursong nasa server, pati kung maaari itong pasukin ng mga bisita.
- Maaaring pangkatin ayon sa kategoriya ang mga kurso at maaaring halughugin - ang isang Moodle site ay kayang magsuporta ng libong kurso.
- Binibigyang diin ang mahigpit na seguridad sa kabuuan. Lahat ng form ay sinusuri, ang mga datos ay bina-validate, ang mga cookies ay ini-encrypt atbp.
- Karamihan sa mga lugar na pagsusulatan ng teksto (rekurso, posting sa talakayan, atbp.) ay maaaring i-edit sa pamamagitan ng naka-embed na WYSIWYG HTML editor
Pamamahala ng Site
- Ang site ay pinamamahalaan ng admin user, na itinatakda sa panahon ng pagsasaayos
- Pinahihintulutan ng plug-in na "tema" ang admin na ipasadya ang mga kulay, font, layout atbp. ng site ayon sa lokal na pangangailangan
- Puwedeng magdagdag ng plug-in na modyul ng aktibidad sa kasalukuyang instalasyon ng Moodle
- Pinahihintulutan ng plug-in na pakete ng wika ang ganap na lokalisasyon sa anumang wika. Ma-eedit ito sa pamamagitan ng built-in na pangweb na editor. Sa kasalukuyan may pakete ng wika para sa mahigit 43 languages.
- Malinaw na nakasulat ang code sa PHP alinsunod sa lisensiyang GPL - madaling baguhin ayon sa inyong pangangailangan
Pamamahala sa mga user
- Ang adhikain ay mabawasan ang pakikialam ng admin hanggang sa minimum, habang pinananatili ang mataas na seguridad
- Sinusuportahan ang maraming uri ng mekanismo ng pag-authentiticate sa pamamagitan ng mga plug-in na authentication module, na nagpapadalit sa integrasyon nito sa kasalukuyang sistema.
- Istandard na paraang email: maaaring lumikha ng sarili nilang login account ang mga mag-aaral. Tinitiyak ang mga email address sa pamamagitan ng kumpirmasyon.
- Paraang LDAP: maaaring suriin ang account login batay sa isang LDAP server. Maitatakda ng Admin kung alin-aling mga field ang gagamitin.
- IMAP, POP3, NNTP: sinusuri ang mga account login batay sa isang mail o news server. Sinusuportahan ang SSL, certificate at TLS.
- Panlabas na database: maaring gamitin ang anumang database na may hindi bababa sa dalawang field bilang palabas na sanggunian ng authentication.
- Isang account lamang ang kailangan ng bawat tao para sa buong server - maaaring magkaroon ng iba't-ibang uri ng access ang bawat account
- Kinokontrol ng admin account ang paglikha ng mga kurso at paglikha ng mga guro sa pamamagitan ng pagtatakda ng user sa mga kurso
- Ang account na tagalikha ng kurso ay pinahihintulutan lamang na lumikha ng mga kurso at magturo sa mga ito
- Maaaring matanggal ang pribilehiyo sa pag-eedit ng mga guro upang hindi nila mabago ang kurso (hal para sa mga part-time na tyutor)
- Seguridad - maaaring magdagdag ng "susi sa pag-enrol" ang guro sa kanilang kurso upang maharang ang mga di-estudyante. Puwede nilang ibigay ang susing ito ng harapan o sa pamamagitan ng personal na email atbp.
- Puwedeng i-enrol ng guro ang mag-aaral nang mano-mano kung nais nila
- Puwedeng alisin sa enrollment ng guro ang mag-aaral nang mano-mano kung nais nila, o kaya'y awtomatiko silang maaalis kapag umabot sa isang takdang panahon na walang ginagawa (isiniset ng admin)
- Ginaganyak an mga mag-aaral na bumuo ng online na pagkakakilanlan nila na may larawan at deskripsiyon. Maaaring hindi ipakita ang mga email addres kung kinakailangan.
- Maaaring itakda ng bawat user ang kanilang timezone, at ang bawat petsa sa Moodle ay isasalin sa timezone na iyon (hal. petsa ng pagpost, katapusang petsa ng pagpapasa ng takdang-aralin atbp)
- Maaaring mamili ang lahat ng user na wika para sa Moodle interface (Tagalog, Ingles, Pranses, Aleman, Kastila, Portuges atbp.)
Pamamahala ng kurso
- May lubusang kontrol ang ganap na guro sa lahat ng setting ng isang kurso, kabilang ang pagharang sa iba pang guro
- May mga pagpipiliiang format ng kurso tulad ng lingguhan, paksaan o napokus sa talakayan na panlipunang pormat
- Hanay ng mga pangkursong aktibidad na naiaakma sa iba't-ibang sitwasyon - Talakayan, Pagsusulit, Rekurso, Pagpilė, Sarbey, Takdang-Aralin, Chat(Huntahan), Workshop
- Naipapakita sa home page ng kurso ang mga huling pagbabago sa kurso mula nang may huling mag-login - nakatutulong itong magbigay ng pakiramdam ng komunidad
- Karamihan sa mga pook na kailangang magsulat ng texto (rekurso, post sa talakayan, atbp.) ay maeedit sa pamamagitan ng naka-embed na WYSIWYG HTML editor
- Maaaring makita sa isang pahina (at idownload bilang spreadsheet file) ang lahat ng marka para sa Talakayan, Pagsusulit at Takdang-Aralin.
- Ganap na paglog at pagsubaybay sa user - may ulat ng aktibidad para sa bawat mag-aaral na may mga graph at detalye hinggil sa bawat modyul (huling pagpasok, ilang beses na binasa) at saka isang detalyadong "kuwento" ng paglahok ng bawat mag-aaral, kabilang ang mga post, atbp. sa iisang pahina.
- Naka-integrate ang mail - maaaring i-mail ang mga kopya ng post sa talakayan, puna ng guro atbp. sa anyong HTML o plain text.
- Pasadyang iskala - maaaring i-define ng guro ang sarili nilang iskala na gagamitin sa pagmamarka ng talakayan, takdang-aralin at diyornal
- Maaaring iimpake ang mga kurso sa iisang zip file sa pamamagitan ng Backup function. Maaari itong ibalik sa anumang server ng Moodle.
Modyul ng Takdang-Aralin
- Maaaring magtakda ng taning at maksimum na marka sa mga takdang-aralin.
- Maaaring iaplowd ng mga mag-aaral ang mga takdang-aralin (anumang file format) nila sa server - lalagyan ito ng petsa.
- Pinapahintulutan ang mga nahuling takdang-aralin, pero ang tagal ng pagkahuli ay ipakikita ng malinaw sa guro
- Para sa isang partikular na takdang-aralin, maaaring suriin (marka at komento) ang buong klase sa isang pahina, sa isang form.
- Ikinakabit ang puna ng guro sa pahina ng takdang-aralin para sa bawat mag-aaral, at ang notipikasyon (patalastas) ay imemail palabas.
- Maaaring pahintulutan ng guro ang muling pagpapasa ng mga takdang aralin matapos itong mamarkahan (para markahan muli)
Modyul na Chat
- Pinapahintulutan ang madulas, synchronous na ugnayan sa pamamagitan ng teksto
- May ipinapakitang larawan na pagkakakilanlan sa chat window
- Sinusuportahan ang URL, smilies, embedded HTML, image atbp.
- Lahat ng sesyon ay nakalog para makita sa ibang oras, maaari rin itong ipakita sa mga mag-aaral
Module na Pagpipilian
- Tulad ng sarbey ng mga opinyon. Puwedeng gamitin para sa pagboto hinggil s aanuman, o makalikom ng puna mula sa bawat mag-aaral (hal saliksikin ang pag-sang-ayon nila)
- Makikita ng guro ang isang madaling maunawaan na manghad na nasasabi kung sinu-sino ang pumili ng mga alin
- Maaaring ipakita sa mga mag-aaral ang isang graph ng mga kasalukuyang resulta, kung naisin ng guro.
Modyul na Talakayan
- May iba't-ibang uri ng talakayan, tulad ng pangguro-lamang, balitang kurso, pambalana, at isang-thread-isang-user.
- Nakalakip ang larawan ng mga maysulat sa lahat ng posting
- Puwedeng tingnan ang talakayan nang nakanest, patag o nakathread, pinakaluma o pinakabago muna.
- Maaaring sumali sa isang talakayan ang bawat tao upang mapadalhan ng kopya sa pamamagitan ng email ang lahat ng kalahok, o puwedeng puwersahang isali ng guro ang lahat
- Puwedeng ipagbawal ng guro ang pagtugon (hal para sa mga patalastas-lamang na talakayan)
- Madaling naililipat-lipat ng guro ang mga thread ng diskusyon sa iba't-ibang talakayan
- Ipinapakita ang mga kalakip na larawan nang inline
- Kapag ginagamit ang forum rating, maaari itong limitahan sa mga takdang petsa
Modyul na Pagsusulit
- Maaaring lumikha ang guro ng database ng mga tanong na magagamit muli sa iba't-ibang pagsusulit
- Maaaring ipaloob sa mga kategorya ang mga tanong para madaling mapasok, at puwedeng "ilathala" ang mga kategoryang ito, upang madali silang mapuntahan mula sa alinmang kurso sa site.
- Awtomatiko ang pagmamarka sa mga pagsusulit, at maaaring baguhin ang mga markang ito muli kapag binago ang mga tanong
- Maaaring lagyan ng taning ang pagkuha ng pagsusulit, na kapag naabot na ay hindi na puwedeng kumuha pa ang mag-aaral
- Maaaring kuhanin ang mga pagsusulit nang paulit-ulit, kung naisin ng guro, at maaaring magpakita ng puna at/o wastong sagot
- Puwedeng balasahin (gawing random) ang mga tanong at sagot upang maiwasan ang pandaraya
- Puwedeng gumamit ng HTML at larawan sa mga tanong
- Puwedeng iimport ang mga tanong sa pamamagitan ng panlabas na text file (alalaong baga'y hindi kailangang itype isa-isa sa Moodle)
- Maaaring kuhanin ang mga pagsusulit nang paulit-ulit, kung naisin ng guro
- Maaaring padagdag nang padagdag ang pagkuha ng pagsusulit, alalaong baga'y hati-hati ang pagsusulit na matatapos nang higit sa isang sesyon
- Maraming pagpipilian na sagot na mga tanong, na puwedeng tanging isa lamang o marami ang sagot mula sa mga pagpipilian
- Maigsing-Sagot na mga Tanong (tawag natin ay punan-ang-patlang) (salita o parapo)
- Tama-Mali na mga tanong
- Tugmaan na mga tanong
- Random na mga tanong
- Denumero na mga tanong (puwedeng magtakda ng hangganan)
- Naka-embed ang mga sagot sa tanong (estilong cloze), na ang mga sagot ay nasa loob ng mga pangungusap ng teksto
- May mga naka-embed na paglalarawan na nasa teksto at mga larawan
Modyul na Rekurso
- Suportado ang pagdispley ng anumang nilalamang pangelektroniko, Word, Powerpoint, Flash, Video, Sound atbp.
- Alin sa dalawa, maaaring iaplowd at pamahalaan ang mga file sa server, o likhain sa pamamagitan ng web form (teksto o HTML)
- Alin sa dalawa, puwedeng ilink ang panlabas na nilalamang nasa web, o ipaloob sa interface ng kurso nang malinis
- Maaaring ilink ang mga panlabas na applikasyong web, at pasahan ito ng datos
Modyul na Sarbey
- Ang mga nakalangkap na sarbey (COLLES, ATTLS) ay napatunayan na angkop na instrumento sa pagsusuri ng mga online na klase
- Palaging makukuha ang online na ulat ng sarbey, kasama ang maraming graph. Maaaring mai-download ang datos na Excel spreadsheet o CSV text file.
- Naiiwasan ang hindi tapos na sarbey dahil sa disenyo ng interface para sa pagsasarbey
- Ipinapakita sa mga mag-aaral ang resulta ng kanilang mga sagot, kahambing ang katamtamang sagot ng klase
Modyul na Workshop
- Pinahihintulutan ang pagmamarka ng mga kapwa mag-aaral sa mga dokumento ng iba, at ang guro ang nakapamamahala at nakapagmamarka sa mga pagsusuri (ng mga mag-aaral).
- Suportado ang maraming klase ng iskalang ginagamit sa pagmamarka
- Maaaring magbigay ng sampol na dokumento ang guro para pagsanayan ng mga mag-aaral na markahan
- Maiaangkop sa napakaraming iba't-ibang sitwasyon dahil sa maraming opsiyon
Version: $Id$