Malimit na Itinatanong (FAQ)

Nilalaman ng pahinang ito ang mga sagot sa ilang tanong na malimit itanong ng mga taong nag-iinstol ng Moodle. Kung sinunod mo ang mga gabay sa pag-iinstol nguni't nagkakaproblema pa rin kayo, itong pahinang ito marahil ang pinakamahusay na basahin.

Kung hindi ka makakuha ng kasagutan dito, subukin ang Using Moodle na kurso sa moodle.org. Magsimula sa pamamagitan ng pag-search sa mga forum sa pamamagitan ng ilang keyword, kung sakaling natalakay na ang problema mo. Kapag wala kang nakita, ipost mo ang tanong mo sa angkop na forum - kadalasan ay may makakatulong sa iyo.

Kung sinubok mo na ang ilang solusyon pero wala kang malutas na suliranin, at tumatakbo ang program mo sa likod ng isang firewall, maimumungkahi namin na tangkain mong baguhin ang kaayusan ng firewall mo, upang matiyak na hindi nito hinaharang ang isang kinakailangang function o kinakailangang komunikasyon. Madalang magbunga ng problema ang mga firewall sa Moodle subali't minsan ay siyang maysala sa paghina ng functionality bunga ng maling pagkaaayos sa setting ng firewall.

Gamitin ang listahang ito upang makalundag sa angkop na sagot sa ibaba:

Kapag tinatangka kong pasukin o tingnan ang isang file na inaplowd ko, nakakatanggap ako ng error na "Hindi Nahanap ang File (File not Found)"

Halimbawa: Hindi Nahanap: Ang hiniling na URL (Not Found: The requested URL) /moodle/file.php/2/myfile.jpg ay hindi nahanap sa server na ito.

Kailangang isaayos ang web server mo na pahintulutan ang bahagi ng URL na kasunod ng isang pangalan ng script na maipasa nang direkta sa script. Kadalasan ay buhay na ito sa Apache 1, ngunit karaniwang patay sa Apache 2 bilang default. Upang mabuhay ito, idagdag ang linyang ito sa httpd.conf mo, o sa isang .htaccess na file sa iyong lokal na direktoryo (tingnan ang Dokumentasyon sa pag-install para sa dagdag na detalye ):

AcceptPathInfo on

Tandaan, na gagana LAMANG ito sa Apache versions 2.x.

Kung hindi ka gumagamit ng Apache 2 at nananatili ang suliraning ito (malabong mangyari) maaari mong i-switch ang Moodle na gumamit ng alternatibong paraan. Ang kahinaan nito ay may mga bagay na hindi magagawa ang mga user mo, at di ka makagagamit ng mga relatibong link sa loob ng mga rekursong HTML.

Para magamit ang alternatibong paraang ito: mag-log-in bilang Admin, pumunta sa "Isaayos ang mga Baryabol (Configure Variables)" na pahina at baguhin ang setting para sa "slasharguments". Maaari mo na ngayong pasukin ang mga inaplowd mong file.

 

PHP - nakainstol ba ito at anong bersiyon ang mayroon ako ?

Gumawa ng bagong file sa iyong web site na may pangalang info.php, na naglalaman ng sumusunod na teksto, at tawagin ito mula sa iyong browser:

<?PHP phpinfo() ?>

Kung walang mangyari, samakatuwid wala kang PHP na nakainstol. Tingnan ang mga doks para sa pag-instol para sa ilang impormasyon kung saan puwede itong ma-download para sa iyong kompyuter.

 

Bakit blangko ang lahat ng pahina ko?

Tingnan ang dirroot na baryabol sa config.php. Kailangan mong gumamit ng kumpletong, absolute na pathname, eg:

$CFG->dirroot = "d:\inetpub\sites\www.sitemo.com\web\moodle";

 

Para sa Redhat Linux na plataporma pakitingnan ang: Redhat Linux

 

Naghuhudyat ng mga fatal na error ang mga pahina ko, tulad ng: call to undefined function: get_string()

Kung makakita ka ng mga error na tulad ng:

Parse error: parse error, unexpected T_VARIABLE in c:\program files\easyphp\www\moodle\config.php on line 94
Fatal error: Call to undefined function: get_string() in c:\program files\easyphp\www\moodle\mod\resource\lib.php on line 11

malamang ay may nakaligtaan kang tuldok-kuwit (semi-colon) o dulong panipi (quote) sa isang linya sa config.php (bago dumating ang ika-94 na linya).

Ang isa pang dahilan ay maaaring binuksan mo ang config.php sa isang program na tulad ng Word upang ma-edit ito, tapos ay isinave ito bilang HTML na web page, sa halip na text file.

 

Bakit palagi akong nakakatanggap ng mga hudyat ng error hinggil sa "headers already sent"?

Kapag nakakita ka ng mga error na tulad nito:

Warning: Cannot add header information - headers already sent by (output started at /webs/moodle/config.php:87) in /webs/moodle/lib/moodlelib.php on line 1322

Warning: Cannot add header information - headers already sent by (output started at /webs/moodle/config.php:87) in /webs/moodle/lib/moodlelib.php on line 1323

Warning: Cannot add header information - headers already sent by (output started at /webs/moodle/config.php:87) in /webs/moodle/login/index.php on line 54

May mga blankong linya o espasyo ka pagkatapos ng huling ?> sa config.php file mo. Minsan idinadagdag ito ng mga text editor - halimbawa ng Notepad sa Windows - kaya't maaaring kailangan mong gumamit ng ibang text editor para matanggal ang mga espasyo o blankong linyang ito nang ganap.

 

Palagi akong nakakatanggap ng ganitong error: Failed opening required '/web/moodle/lib/setup.php'

Sa config.php mo, ang setting na ginamit mo para sa dirroot na baryabol ay dapat na kumpletong path mula sa root ng hard drive ng server mo .

Minsan, ginagamit lamang ng mga tao ang path nila mula sa home na direktoryo, o relatibong path na nakaturo sa root ng direktoryo ng web server.

 

Kapag nagsulat ako ng teksto na may apostrophe (') o quote ("), nagbubunga ito ng error o lumilitaw na may kasamang slash

Ang mga problemang bunga ng mga apostrophe ay dahil sa mga maling setting ng "magic quotes". Kailangan ng Moodle ang mga sumusunod na setting (na siyang karaniwang default Moodle requires the following settings (which :

magic_quotes_gpc = On
magic_quotes_runtime = Off

Tingnan ang seksiyon hinggil sa pagsasaayos ng webserver sa mga doks sa Pag-iinstol para sa dagdag na detalye.

 

Palagi akong nakakatanggap ng hudyat ng error hinggil sa session_start

Kapag nakakita kayo ng ganitong mga error:

Warning: session_start() [function.session-start]: open(/tmp\sess_d40f380d37d431fc1516e9a895ad9ce0, O_RDWR) failed: No such file or directory (2) in G:\web\moodle\lib\setup.php on line 123

Warning: session_start() [function.session-start]: open(/tmp\sess_d40f380d37d431fc1516e9a895ad9ce0, O_RDWR) failed: No such file or directory (2) in G:\web\moodle\lib\setup.php on line 123

Warning: session_start() [function.session-start]: Cannot send session cache limiter - headers already sent (output started at G:\web\moodle\lib\setup.php:1) in G:\web\moodle\lib\setup.php on line 123

...bunga ito ng pagkabigo ng PHP na i-save ang mga "session" file sa hard disk mo (sa isang direktoryo na may pangalang /tmp). Ang kadalasang dahilan ay WALA kang direktoryong /tmp sa kompyuter mo. Kalimitan itong kaso sa mga instalasyon sa Windows.

Ang solusyon ay ayusin ang PHP setting para sa path na ito na tumuro sa isang tunay na direktoryo. Maaari mo itong gawin sa iyong php.ini file:

session.save_path = C:\temp

o kaya'y sa isang .htaccess file sa iyong punong direktoryo ng moodle:

php_value session.save_path "/home/moodle/sessions"

 

Kapag nagpunta ako sa pahinang pang-admin, sinasabihan ako na gawing blangko ang dirroot!

Kapag nakakita ka ng error na ganito sa Moodle 1.0.9:

Paki-ayos ang setting mo sa config.php:

Ang nakasulat sa iyo ay:

$CFG->dirroot = "/home/users/fred/public_html/moodle";

nguni't ang dapat na nakasulat ay:

$CFG->dirroot = "";

samakatuwid ay nakatagpo ka ng isang maliit na bug na nangyayari sa ilang server. Nagmumula ang suliranin sa mekanismo ng error-checking, hindi sa aktuwal mong path. Upang maayos ito, hanapin ang linya (ika-66 na linya) sa file na admin/index.php:

if ($dirroot != $CFG->dirroot) {

at baguhin ito nang paganito: :

if (!empty($dirroot) and $dirroot != $CFG->dirroot) {

 

Naglalog-in ako pero hindi lumalabas na nakalog-in nga ako. Nakapaglog-in na ako at nakapag-ikot ng maalwan.

Tiyakin na ang URL sa iyong $CFG->wwwroot setting ay kapareho nang eksakto ng aktuwal mong ginagamit sa pagpasok sa site mo.

 

Kapag nagtangka akong magdagdag ng rekurso nakakatanggap ako ng hudyat ng error.

Kung gumagamit ka ng Apache, malamang na ang setting mo sa config.php para sa $CFG->wwwroot ay kakaiba sa aktuwal na URL mong ginagamit sa pagpasok sa site. Tangkain mo ring patayin ang "secureforms" sa mga setting na pang-admin.

 

Sa panahon ng panimulang proseso ng pagse-set-up, hindi ako kailanman tinanong kung nais kong lumikha ng admin account!

Kilala itong bug sa bersiyon ng Moodle na hanggang 1.0.9, na naayos na sa pangunahing code at sa bersiyon 1.1.

Hindi nito naaapektuhan ang lahat ng tao, nangyayari lamang ito kapag ang taong nag-iinstol sa Moodle ay may cookie sa browser nila na mula sa ibang program sa site ding yaon, na may pangalang "user", "admin", o "teacher".

Ang ilang madaliang solusyon ay ang pagbura ng mga cookie'ng yaon sa browser mo bago mag-instol, paggamit ng ibang browser, o pag-edit ng file na moodle/admin/user.php para makapagsingit ng mga linya na malapit sa itaas :

unset($user);
unset($admin);
unset($teacher);

Matapos mong magawa ang alinman sa mga solusyong ito, makabubuting i-drop mo ang lahat ng table mo sa database mo at muling mag-instol mula sa simula.

 

Hindi ako makapag-log-in - nananatili lamang ako sa log-in screen.

Ang pinakakaraniwang dahilan nito ay may firewall ang kompyuter mo (hindi ang Moodle server) na nagtatanggal ng referrer information mula sa browser. Narito ang ilang instruksiyon para sa pag-ayos ng mga Norton firewall products.

Puwede rin itong ayusin ng server admin para sa lahat, sa pamamagitan ng pag-edit ng pahinang pang-configuration ng Moodle at paggawang "Hindi (No)" sa baryabol na "secureforms" .

Ang isa pang posibleng dahilan ng suliraning ito ay hindi nakaayos ng mabuti ang sessions sa server. Puwede mong testingin ito sa pamamagitan ng pagtawag sa script na http://yourserver/moodle/lib/session-test.php.

 

Paano ko iba-back-up ang Moodle site ko?

May dalawang bagay na dapat mong unang kopyahin: ang database at ang mga inaplowd na file. Hindi gaanong mahalaga ang mga script ng Moodle, dahil puwede ka namang mag-download ng bagong kopya kung kailanganin mo.

Maraming paraan kung paano mag-back-up. Narito ang balangkas ng isang maliit na script na maaari mong patakbuhin sa Unix upang mai-backup ang database (mabuting magpatakbo ng ganitong script nang araw-araw sa pamamagitan ng cron task)

cd /my/backup/directory

mv moodle-database.sql.gz moodle-database-old.sql.gz

mysqldump -h example.com -u myusername --password=mypassword -C -Q -e -a mydatabasename > moodle-database.sql

gzip moodle-database.sql

For the files, you can use rsync regularly to copy only the changed files to another host:

rsync -auvtz --delete -e ssh mysshusername@example.com:/my/server/directory /my/backup/directory/

 

Bakit hindi tama ang ipinapakitang oras at araw ng ng Moodle site ko?

Kailangan ng bawat wika ng isang partikular na code ng wika (na tinatawag na (called a locale code) upang makapagpakita ng mga wastong petsa. Naglalaman ng mga default na standard code ang mga pakete ng wika, pero minsan ay hindi ito gumagana sa mga server na Windows.

Maaari mong makita ang mga wastong locale code para sa Windows sa dalawang pahinang ito: Mga code ng Wika at Mga code ng Bansa/rehiyon .(eg "esp_esp" para sa kastila)

Maaaring ipasok ang mga bagong locale code na ito sa Admin -> Configure -> Variables na pahina, kung saan mananaig ito sa nasa kasalukuyang piniling pakete ng wika. .

 

Hindi nagpapadala ng kopya ng email ang mga talakayan ko

Kailangan mong iayos ang cron nang wasto kung gusto mong magpadala ng mga awtomatikong email ang Moodle mula sa mga talakayan, takdang-aralin atbp. Gumagawa rin ang prosesong ito ng ilang gawaing paglilinis tulad ng pagbura ng lumang dinakukumpirmang user, pagsipa sa mga nakaenrol na dating mag-aaral at gayon nang gayon.

Kailangan mong magsaayos ng isang proseso na regular na tatawag sa script http://yoursite/admin/cron.php. Pakitingnan ang seksiyon hinggil sa cron sa dokumentasyon tungkol sa Pag-iinstol .

Tip: Subukin ninyo ang default na setting sa pahina ng mga baryabol ng Moodle . Bayaan ninyong blangko ang smtphost. Ito ay magiging katanggap-tanggap para sa mayorya ng user.

 

 


Magmungkahi ng bagong FAQ (isama ang sagot!)


Salamat kay John Eyre para sa pagtulong sa pagmementina ng FAQ ito.

Dokumentasyon ng Moodle

Version: $Id: faq.html,v 1.6 2003/03/30 13:54:28 moodler Exp $